• Home
  • Fresh Scoops
  • Wow! Nate Alcasid, pinahanga ang mga manonood sa duet nila ng ina na si Regine Velasquez

Wow! Nate Alcasid, pinahanga ang mga manonood sa duet nila ng ina na si Regine Velasquez

Isang napaka-sweet na duet ang ipinamalas ng seven-year-old son ni Regine Velasquez na si Nate matapos nilang magduet sa Magandang Buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/16/2018 6:19 PM
Wow! Nate Alcasid, pinahanga ang mga manonood sa duet nila ng ina na si Regine Velasquez


Photo credit: @nate_angels (L) on IG

Sa three-day episode ng Magandang Buhay para sa first monthsary ni Regine Velasquez bilang Kapamilya, nakasama ng Asia’s Songbird ang kanyang pamilya na nagpamalas sa isang cute at sweet na duet.

Sa isa sa mga episode nito, November 14, nakipagkantahan ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate at ang bagong Star Magic artist na si Leila Alcasid kasama si Regine.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Nate Velasquez Alcasid (@nate_angels) on

 

Nagpakitang gilas ang pitong taong gulang na si Nate na kumanta ng A Million Dreams. Ayon sa mga momshie-hosts, pina-praktis na ni Nate ang nasabing kanta mula sa pelikulang The Greatest Showman, kaya naman nirequest ito ni momshie Karla Estrada.

Panoorin ang mga duets dito:


Maraming natuwa at humanga sa talento ni Nate at napuno ang comment section ng mga papuri para sa seven-year-old na Alcasid.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

 

Si Nate ang unang anak ni Ogie Alcasid at Regine Velasquez matapos magpakasal noong 2010. Samantala, si Leila Alcasid ay anak ni Ogie sa unang asawa na si Michelle Van Eimeren.