Maymay Entrata opisyal nang rarampa sa Arab Fashion Week

Napili ng sikat na fashion designer na si Furne One ang aktres na si Maymay Entrata na maging bahagi ng kanyang show sa pinaka malaking fashion event sa Dubai.

BY ANN MANHIT

FRESH SCOOPS

11/16/2018 8:02 AM
Maymay Entrata opisyal nang rarampa sa Arab Fashion Week


Photo credit to: @furneamato IG

Opisyal nang inanunsyo ng designer na si Furne One na officially ay bahagi na si Maymay Entrata ng mga modelong rarampa para sa kanyang fashion line sa darating na Arab Fashion Week. 

 

Sa post din ng Star Magic handler ni Maymay na si Love Capulong sa Instagram ang sulat kung saan kinumpirma nga ng designer ang pagiging modelo ng aktres sa pinakamalaking fashion event sa Dubai. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Just in! Confirmed!!! Pasok!!! CONGRATS MAYMAY!!! 👍🏻👍🏻👍🏻 #tatakstarmagic

A post shared by Love Almazan-Capulong (@lovecapulong) on

 

Sa mga naging panayam ng PUSH kay Maymay tungkol sa pagiging isang modelo, sinabi nito na very much interested siya na matuto ng pormal about modelling. Self-taught lang kasi ang dalaga at natuto lamang ito sa kanyang mga napapanood na videos. 

READ: Maymay Entrata reveals how she taught herself how to model

Marami na ang nakapansin ng talento ni Maymay sa pagmo-modelo kabilang na dito ang super model na si Tyra Banks. Maraming netizens din ang nagsasabing pwedeng pwede sumali si Maymay sa Asia's Next Top Model kung gugustuhin nito. 

LOOK: Maymay Entrata’s runway walk catches the attention of Tyra Banks