Kim Chiu, pressured nga ba sa 2018 MMFF?

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Kim ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/16/2018 2:45 PM
Kim Chiu, pressured nga ba sa 2018 MMFF?


All set na para sa pagbubukas ng 2018 Metro Manila Film Festival si Kim Chiu kung saan bahagi ang kanyang pelikula na One Great Love.

Kasabay ng nalalapit na Pasko ang magkahalong kaba at pananabik na nararamdaman ng aktres sa pagsabak as film festival.

“First time kong makasama si JC (De Vera), si Dennis (Trillo), tapos lahat first time,” excited na tugon ni Kim kasabay ng kanyang muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Kasabay ng pananabik ang pagkakaroon ng kaba sa tapatan nila ng kapwa Kapamilya stars sa film festival.

"Oo. Vice (Ganda), Anne (Curtis), Coco (Martin), Jericho (Rosales), oo naman, nandoon 'yung kaba. And hindi ko na alam 'yung pakiramdam ko,” aniya.

“As early as now, nagpo-promote na ako na sana panoorin niyo ang One Great Love. It's a really good story and ako, proud ako para sa pelikula,” masayang pahayag ng aktres.

Sa Disyembre 25, mapapanood ang One Great Love at iba pang pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.