• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Maymay Entrata, ibinahagi kung saan napupunta ang kanyang kinikita

EXCLUSIVE: Maymay Entrata, ibinahagi kung saan napupunta ang kanyang kinikita

Labis na matulungin si Maymay Entrata sa kanyang pamilya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/16/2018 9:37 AM
EXCLUSIVE: Maymay Entrata, ibinahagi kung saan napupunta ang kanyang kinikita


Ibinahagi sa amin ni Maymay Entrata sa isang exclusive interview after ng mediacon at launching ng bagong produktong ini-endorse niya—ang Megan Peel-Off Mask—kung saan niya dinadala ang kanyang mga kinikita.

Ani Maymay sa PUSH, “Mas importante po kasi talaga sa akin na magse-save ako dahil darating yung araw pag kailangan namin may magagamit pa kami. Kuripot po kasi ako, dahil nga sa dami ng pamilya namin kailangan talaga hinay-hinay lang (sa gastos). Dapat mas i-budget ko talaga kung ano yung kailangan lang.”

Mas priority daw niya ang needs kesa wants lang ng kanilang pamilya.

“Sa ngayon sinasabi ko po sa kanila, habang hindi pa kami masyadong mas nakakaluwag, yung mga needs lang namin yung dapat naming unahin at dapat naming bilhin. Hindi yung pati wants lang.

“Kasi darating din ang araw, pinaplano ko din naman po kaya nga nagse-save ako dahil yung plano ko don ay yung mabibili din nila kung ano yung talagang gusto nila. Darating din naman po yung araw na yon. Kasi pinapaaral ko pa po yung mga cousins ko kaya kailangan talaga naming magtipid,” sambit pa ng Pinoy Big Brother Season 7 grand winner.

Eh, ano ba ang pinag-iipunan niya para sa pamilya?

“Kung ano po yung ikasasaya nila,” tugon niya. “Ang priority ko po ngayon ay yung bahay sa probinsya namin kasi need naman po yon, di ba? Tapos nando’n din po sila lahat.”

Napakasarap din daw ng kanyang pakiramdam na siya ay nakakatulong sa kanilang malaking pamilya.

“Pangarap ko din po talaga yon dahil yung mama ko po talaga naging breadwinner sa lahat. Imbes na kami lang dapat ng kuya ko yung sinusuportahan pero mas pinili din po niyang suportahan yung lolo’t lola ko, yung mga cousins ko kasi iniwan din sila.

“Yung mama ko po nag-OFW siya sa Japan, isinakripisyo niya talaga na mapalayo sa amin para lang matustusan yung kailangan namin don sa probinsya. Kaya ngayon, sinabi ko sa sarili ko na ako naman (ang tutulong) at masaya ako.

“Saka po, though nahihirapan ako, kasi biglaan sa akin yung malaking responsibilidad, pero ngayon, ang pinakaimportante naman do’n ay masaya ako dahil iba yung feeling, iba yung happiness kapag ikaw yung nakapag-angat ng pamilya mo.

“Kaya lagi ko ring sinasabi sa mga cousins ko na huwag na huwag magbabago. Maging kontento pa rin sa kung anong meron tayo,” paliwanag ng dalaga.

Very appreciative din daw ang kanyang mga kamag-anak sa ibinibigay niyang tulong.

“Ay, sobra po. Alam n’yo po yung probinsya di ba, simple lang, okey na sila, nagpapasalamat na. Hindi kailangan na malaki yung ibibigay mo, basta sapat lang okey na. Masaya, masaya po,” huling pahayag ng dalaga sa PUSH.