• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, bukas sa personal na pakikipag-usap kay PNP Chief Albayalde

Coco Martin, bukas sa personal na pakikipag-usap kay PNP Chief Albayalde

“Pinapakita naman natin ang both sides e, na merong masama, meron namang mabubuting mga pulis,” depensa ni Coco Martin sa pangamba ng PNP.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/16/2018 1:16 PM
Coco Martin, bukas sa personal na pakikipag-usap kay PNP Chief Albayalde


Photo credit: ABS-CBN News (L)

Dinepensahan ni Coco Martin ang komento ng PNP (Philippine National Police) Director General Oscar Albayalde sa kanyang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na sinasabing may negatibong representasyon sa kapulisan.
 
READ: Coco Martin’s response to accusations from the PNP
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@mr.cocomartin #GloriousScreening @dreamscapeph #b617‬

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on


 Sa interview ng press, sinabi ni Coco Martin na mas mabuting ikonsidera ang kabuuan ng kwento ng serye, “Kung titignan natin sa ngayon, sa pinapalabas namin ngayon, maaaring ‘yun ang magiging tingin nila. Pero kung titignan nila at panunoorin nila ang kabuuan ng Ang Probinsyano, malayo na ang journey na tinakbo.”
 
Dagdag ng aktor, hindi lang naman ang karakter ni Soliman Cruz ang pwedeng pagbasehan ng pagiging pulis. "Unang-una, hindi lang naman yung karakter ni Soliman Cruz ang kauna-unahang PNP Chief e, di ba si Eddie Gutierrez ang unang (gumanap) diyan, isang maayos at matino. And then si Tito Jaime Fabregas, si General Borja, kumbaga pinapakita naman natin ang both sides eh, na merong masama, meron namang mabubuting mga pulis.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Isang bansa para sa nag iisang #FPJsAngProbinsyano. Abangan mamaya #FPJAP3Dasal 📸 @iamlalopez

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on


 
Nais din ni Coco na personal na makipag-usap kay PNP Chief Albayalde para hindi na lumaki ang isyu. “Ayoko na sana palalimin pa (ang isyu) or what, pero sabi ko nga, para sa ikatatahimik at ikaaayos ng lahat, sana makapag-usap para maayos ‘yung mga bagay na hindi pagkakaunawaan.”
 
"Sabi ko nga, sobra ‘yung respeto ko sa kanila, sa ating mga kapulisan, lalo na sa ating bagong PNP Chief, gusto ko personally makipag-usap sa kanila," ani Coco.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Congratulations Team Glorious, @dreamscapedigital! #GloriousScreening #b617‬

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on


 
Dumalo si Coco Martin sa premiere screening ng Glorious bilang suporta sa kaibigan at co-actor sa Ang Probinsyano na si Angel Aquino.