• Home
  • Fresh Scoops
  • Christmas vacation nina Toni at Alex Gonzaga, postponed muna

Christmas vacation nina Toni at Alex Gonzaga, postponed muna

Excited na rin sina Toni at Alex para sa unang sabak nila together sa MMFF.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/16/2018 2:27 PM
Christmas vacation nina Toni at Alex Gonzaga, postponed muna


Handang handa na para sa kanyang unang sabak sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang TV host-actress na si Toni Gonzaga para sa pelikulang Mary, Marry Me.

Ito ang unang pelikula ng magkapatid na Gonzaga na opisyal na kalahok sa pagbubukas ng MMFF ngayong 2018.

“Sobrang saya. Hindi namin ine-expect ‘yun. Kasi naka-slate na kami for January, sabi namin, kung hindi papasok (sa MMFF). But thankful kami na napili ng committee na maging part,” bungad ni Toni sa naganap na renewal ng kontrata nila ni Alex sa ABS-CBN.

“I'm very excited kasi this is my first time, actually, with my whole career na mag-MMFF. So exciting kasi mae-experience ko na kung ano ang feeling ng may pelikula sa Pasko,” aniya pa.

Achievement unlocked naman para kay Alex ang makasama sa isang pelikula ang nakatatandang kapatid.

“Ako , thankful ako na makasama ko na ang ate ko sa isang pelikula. 'Yun lang naman ang gusto ko, gusto ko lang ma-experience kung paano mag-shooting with her. And now I know, this will be the last,” pagbibiro ni Alex.

Dahil dito, major adjustment din daw ang ginawa ng magkapatid sa kanilang bakasyon ngayong darating na Pasko.

Kasunod ito ng pagkakaroon ng mga proyekto kabilang na ang Pinoy Big Brother: Otso at ang pagbibidahang pelikula sa MMFF.

“Dapat magbabakasyon sana kami kasama ‘yung family,” sabi niToni.

Hindi man daw makakapagbakasyon ngayong Pasko, thankful pa rin daw ang magkapatid dahil sa blessings na dumarating sa kanila ngayon.

“At least kahit na nag-stay kami rito, hindi kami nakapag-travel, may 'PBB' din naman at the same time may MMFF,”ani Alex.

Sa darating Disyembre 25, mapapanood ang Mary, Marry Me at iba pang pelikulang kalahok sa 2018 MMFF.