Angel Aquino, tinablan nga ba kay Tony Labrusca?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/16/2018 9:53 AM
Angel Aquino, tinablan nga ba kay Tony Labrusca?


Direchahan na sinagot ni Angel Aquino ang mga katanungan sa kanya ng entertainment press sa media conference para sa kontroberysal na pelikulang Glorious.

Dito, sinagot ng aktres na personal choice niya ang katambal na si Tony Labrusca na first time niyang nakatrabaho.

 

“For some reason kahit di ko pa siya nakakatrabaho feeling ko it will work. Talagang ginagawa ko nagpafollow-up ako pumayag ba siya sa script? Sa schedule?” sabi pa ni Angel.

Inamin din ng aktres na hindi nalalayo ang role niya sa Glorious sa tunay at personal niyang buhay.

“Yung last (boyfriend) who was 11 years younger siguro he was ahead of his age, mas mature siya than an early 30s guy. So medyo gets niya ako at gets ko rin siya. He was very respectful,” kuwento pa niya.

At nang tatanungin naman kung ano ang kanyang first impression kay Tony, hindi daw malilimutan ni Angel ang unang beses na pinanuod niya ito.

“I saw him first sa La Luna (Sangre)... First time na nakita ko siya sa TV, he will pique your interest talaga,” pahayag pa ni Angel.

Streaming worldwide ang Glorious sa November 17.