PNP, may reklamo tungkol sa ‘Ang Probinsyano’

PNP, may reklamo sa MTRCB tungkol sa phenomenal hit seryeng ‘Ang Probinsyano.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/15/2018 10:06 AM
PNP, may reklamo tungkol sa ‘Ang Probinsyano’


Sa ulat ng TV Patrol, sumulat ang Philippine National Police (PNP) sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) tungkol sa seryeng Ang Probinsyano tungkol sa diumano unfair na pag-portray nito sa PNP at kapulisan.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, “parang the PNP Chief himself is a villain na hindi naman siguro kailanman nangyari. We probably want to have an audience at kung hindi man nila matigil yun, magbago man lang yung pagpu-portray sa PNP.” 

Sa press statement naman ng ABS-CBN, lahat ng karakter, lugar at insidente sa palabas ay kathang isip lamang gaya ng nilalabas sa disclaimer gabi-gabi.

Ipinapakita rin diumano na ang bidang si Cardo ay isang masipag na pulis na pursigidong tumulong sa kapwa at sagipin ang nangangailangan. Ipinapakita rin diumano ng programa na parating nananaig ang kabutihan sa kasamaan.

READ: Coco Martin, masaya na umabot ng tatlong taon ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’