• Home
  • Fresh Scoops
  • Nash Aguas at Alexa Ilacad, magkasama na tinaggap ang parangal sa 40th CMMA

Nash Aguas at Alexa Ilacad, magkasama na tinaggap ang parangal sa 40th CMMA

Muling nagsama ang dating magka-love team na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/15/2018 2:37 PM
Nash Aguas at Alexa Ilacad, magkasama na tinaggap ang parangal sa 40th CMMA


Together again ang dating magka-love team na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad para tanggapin ang parangal ng Catholic Mass Meda Award 2018 para sa teleseryeng The Good Son.

Ayon kay Nash at Alexa, hindi nila inakala na kahit tapos na ang kanilang proyekto, tatanggap pa din ito ng parangal.

“Sobrang saya po kasi kahit tapos na ang ‘The Good Son’ nakakatanggap padin kami ng mga parangal gaya nito. And nakakatuwa kapag nare-recognize yung effort mo, yung pagod mo, love, and lahat kaya nakakatuwa,” tugon ni Nash sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News sa 40th CMMA.

Gaya ni Nash, pasasalamat din ang nararamdaman ni Alexa para sa kanilang pinaghirapan na proyekto noon.

“We really appreciate all the good and positive comments and recognition that we’ve received since we started and now that it has ended,” ani Alexa.

“We’re really proud  of ‘The Good Son’ we’re really happy to be part of the show, we’re really proud to be a part of a telerserye that made a mark in our society,” sabi pa niya.

Samantala bukod sa The Good Son ilang kapamilya programs din ang tunanggap ng pagkilala mula sa Catholic Mass Media Awards.

Seven Sundays (ABS-CBN Film Productions Inc/ Star Cinema) ang hinirang na Student’s Choice Award for Best Film.

ASAP and I Can See Your Voice (ABS-CBN 2) ang Best Entertainment Program

Sa Landas Ni Hesus: Maglakbay, Magnilay (DZMM teleradyo/ ABS-CBN Corporations) won the Catholic Mass Media Award for Best TV Special.

The Good Son (ABS-CBN 2) ang Best Drama Series habang Mission Posible (ABS-CBN 2) Best Public Service Program.

Ito Ang Aming Pangarap” (KZ Tandingan, Bugoy Drillon, Ebe Dencel and Gloc 9) for Best Music Video.

R.30 by Regine Velasquez-Alcasid (VIVA Records Corporation) ang hinirang na Best Secular Album.

Tagpuan” by Moira Dela Tore (Star Music) ang Best Secular Song.

Di Ka Pababayaan” by Ogie Alcasid with Philharmonic Orchestra  (Star Music) ang Best Inspirational Song.

On The Spot (DZMM Radyo Patrol) 630 / ABS-CBN CORPORATION) ang Best News Program. 

Dear MOR (MOR 101.9 Manila /ABS-CBN Corporation) ay inuwi naman ang award sa Best Drama Program.

MOR Nanay Kakilala (MOR 101.9 for Life / ABS-CBN Creative Communications Management) ang hinirang na Best Radio Ad-Public Service. 

At naiuwi naman ng Failon Ngayon sa DZMM (DZMM Radyo Patrol 630 / ABS-CBN Corporation) ang Catholic Mass Media Awards Hall of Fame Awardee for Best News Commentary (2012, 2013, 2015, 2016 & 2017)