• Home
  • Fresh Scoops
  • Mayward nagreact sa pagkukumpara kay PBB Housemate Lie Reposposa kay Maymay

Mayward nagreact sa pagkukumpara kay PBB Housemate Lie Reposposa kay Maymay

Proud na proud din si Edward Barbers kay Maymay Entrata nang makatanggap ito ng imbitasyon para sa Arab Fashion Week.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/15/2018 12:03 PM
Mayward nagreact sa pagkukumpara kay PBB Housemate Lie Reposposa kay Maymay


Naging usap-usapan ngayon sa social media ang pagkukumpara ng bagong housemate ng Pinoy Big Brother Otso na si Angelie ‘Yes Ma’am’ Reposposa kay Maymay Entrata, dahil sa halos parehong personalidad. Sa nakalipas na RAWR Awards kagabi November 14, nagbigay si Maymay at ang ka-love team na si Edward Barbers ng pahayag tungkol dito.



"Ako po natutuwa ako sa kanya. Tsaka lahat naman po ng housemate na may kakaiba sa kanila... Tsaka tuwang-tuwa ako sa kanya pati pamilya ko.” sagot ni Maymay. 
 
Depensa naman ni Edward, “People have compared Ate Melai, Ate Pokwang to Maymay before, but all of them are different. So they can compare me or her, but never going be the same."

 

 

Nagbigay din ng konting detalye si Maymay tungkol sa kamakailang natanggap na imbitasyon na audition para sa isang international fashion show. "Sinabihan po nila ako na gusto nila akong mag-audition para sa Arab Fashion Week, pero hindi pa po sure talaga kung makakapunta po ako doon.”
 
READ: Maymay Entrata gets invited to an audition for Arab Fashion Week
 
Bagamat hindi pa sigurado sa desisyon ng kanyang team, proud pa rin si Edward sa mga natatanggap na papuri sa talento ni Maymay sa catwalk. "I don't know I'm just proud of her. Ngayon I'm probably the proudest—ako yung mayabang dito,” ani Edward. 
 

 
Pinarangalan bilang Favorite Love team of the Year ang tambalang MayWard mula sa nabanggit na awards night. Kasunod din nito ay nakatanggap din ng parangal ang fanbase ng dalawa, bilang Fan Club of the Year.