• Home
  • Fresh Scoops
  • Jehza Huelar, suportado ni Mutya Datul sa 2018 Miss Supranational Pageant

Jehza Huelar, suportado ni Mutya Datul sa 2018 Miss Supranational Pageant

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/15/2018 11:56 AM
Jehza Huelar, suportado ni Mutya Datul sa 2018 Miss Supranational Pageant


Photo credit: @jehzahuelar/ @misssupranational on IG

Biyaheng Krynica-Zdroj, Poland ngayong Nobyembre si 2018 Binibining Pilipinas Supranational Jehza Huelar para lumaban sa Miss Supranational pageant.

Mas espesyal ngayon ang magiging laban ni Jehza dahil makakasama niya sa Poland si 2013 Miss Supranational Mutya Datul na dadalo sa 10th year anniversary ng beauty pageant.

 

“Actually it's a reunion of former Miss Supranational queens from 2009 to 2017. So nine na queens will be there. It's a major pageant for Supranational,” sabi pa ni Jehza.

Ramdam din daw ni Jehza ang buong suporta para sa kanya ni Mutya para sa laban.

 

 

“Sobrang happy, kasi rare sa mga past former queens ang nagbibigay suporta pa rin sa mga queens natin ngayon. So right now my relationship with Ms. Mutya Datul is getting deeper and she's giving me advice kung ano ang dapat ko gawin,” sabi pa niya.

No pressure din para sa 2018 Binibining Pilipinas Supranational Queen ang makasama ang isang former queen sa magiging laban.

“Actually it feels like I'm close to Philippines and I'm close to home kasi may kilala ka, may kasama ka, and it also gave me confidence and strength. Kumbaga hindi ka makaba sa gagawin mo, kasi alam mo na may makakausap ka, may matatawag ka man lang kung ano man ang maging problema,” pahayag pa ni Jehza

Sa darating na December 7, lalaban sa si Jehza para sungkitin ang ikalawang korona ng Miss Supranational para sa Pilipinas.