• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Carlo Aquino, may nakaw na halik kay Angelica Panganiban

WATCH: Carlo Aquino, may nakaw na halik kay Angelica Panganiban

Carlo Aquino and Angelica Panganiban are getting closer than ever.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/14/2018 9:47 AM
WATCH: Carlo Aquino, may nakaw na halik kay Angelica Panganiban


Photo credit: @kateanjela on IG

Mabilis na naging viral sa social media ang isang video kung saan ninakawan ng halik ni Carlo Aquino si Angelica Panganiban sa isang birthday party ng isang handler ng Star Magic.

Sa nasabing Instagram post, caption ay, “Ang buong akala ko birthday ko pero bakit jackpot si Carlo?”

 

Simula nang kumpirmahin ni Carlo na siya’y single ngayong taon ay umaasa ang kanilang tagahanga na magkakabalikan sila ni Angelica. Ang huling naging nakarelasyon ng aktres ay si John Lloyd Cruz samantalang galing sa isang long term relationship si Carlo sa isang non-showbiz na babae.

Muling nagkatrabaho sina Carlo at Angelica sa pelikulang Exes Baggage at naging box-office hit naman ito.