• Home
  • Fresh Scoops
  • Tignan: 2018 Miss World PH Katarina Rodriguez, ibinida na ang kanyang national costume

Tignan: 2018 Miss World PH Katarina Rodriguez, ibinida na ang kanyang national costume

Kalinga warrior ang naging inspirasyon ng national costume na ipapakita ni Katarina Rodriguez sa Miss World pageant na gaganapin sa Sanya, China.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/14/2018 2:49 PM
Tignan: 2018 Miss World PH Katarina Rodriguez, ibinida na ang kanyang national costume


Photo credit: @msworldphil/ @katarinarodri on IG

Simula na ng laban para kay 2018 Miss World Philippines Katarina Rodriguez na kasalukuyan na nasa Sanya, China ngayon,

Susubukan ni Katarina na sungkitin ang ikalawang Miss World crown ng Pilipinas na una nang naipanalo ni Megan Young noong 2011. 

Sa larawan na ibinahagi ng Miss World Philippines Instagram, ibinida na nito ang National Costume na suot ni Katarina para sa nalalapit na pageant night sa December 8.

 

Kalinga warrior ang inspirasyon ng national costume ng Pinay beauty queen.

Sa ngayon, dasal at panalangin ang hiling ng mga supporters ng kandidata para sa inaasam na pangalawang Miss World title para sa Pilipinas.