• Home
  • Fresh Scoops
  • Kuh Ledesma, niyaya si Regine Velasquez na magkaroon ulit sila ng show

Kuh Ledesma, niyaya si Regine Velasquez na magkaroon ulit sila ng show

Ikinuwento ni Kuh Ledesma kung bakit niya naisip i-produce ang pinaka-unang concert ni Regine Velasquez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/14/2018 2:51 PM
Kuh Ledesma, niyaya si Regine Velasquez na magkaroon ulit sila ng show


Photo credit: @kuhledesma on IG

Sa special episode ng Magandang Buhay ngayong umaga, November 14, nagbigay ng video greeting ang Asia’s Nightingale na si Kuh Ledesma sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid. Ikinuwento ni Kuh kung paano niya nadiscover si Regine. “Nauna ko siyang nakita sa Penthouse Live. Ang pangalan niya doon, 'Chona Velasquez.' She had a beautiful appeal on television, and I knew, she was going to be a star,” kwento ni Kuh.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy 1 month to forever Ate Reg! #MagandangBuhayRegine

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

Ayon sa veteran singer, itinuloy niya ang pagproduce ng pinaka-unang solo concert ni Regine na Regine at 17 noong 1988 dahil naniniwala siya sa talento nito noong nagsisimula pa lang ito. “Kasi I believe in her talent at magaling siya. I also wanted to make sure that she has a first good concert. Tapos pinakiusapan ko rin si Gary (Valenciano) na mag-guest kaming dalawa," pahayag ni Kuh sa video greeting niya sa Magandang Buhay.

 

Bago magtapos ang video message ni Kuh para kay Regine, niyaya nito ang bagong Kapamilya na magkaroon ng show ulit matapos ang Power of Two concert nila, noong 1996. “Alam mo, mahal kita. Miss na miss kita, mag-show na tayo ulit. But anyway alam mo bang 20 years na ang Power of Two? That is very memorable for me. I hope you continue to be magnanimous. We’re here behind you, praying for you,” aniya.

“I also miss performing with her. Sa lahat ng taong kilala ko, isa siya (Kuh Ledesma) sa mga thoughtful na tao,” sagot naman ni Regine sa mga sinabi ni Kuh.