• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, inspirasyon ang kabataan sa Tondo as Miss Universe Philippines

Catriona Gray, inspirasyon ang kabataan sa Tondo as Miss Universe Philippines

Nagpasalamat si Catriona Gray sa mainit na suporta ng Pilipino para sa kanya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/14/2018 9:37 AM
Catriona Gray, inspirasyon ang kabataan sa Tondo as Miss Universe Philippines


Photo credit: @catriona_gray on IG

Looking forward na ngayon ang pageant fans para sa nalalapit na laban ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray sa December 17 sa Bangkok, Thailand.

 

Sa naging panayam kay Catriona sa send-off party ng Binibining Pilipinas, sinabi niyang ramdam na niya ang umaapaw na pagmamahal ng Pinoy fans para sa kanya.

“I feel so happy, I’m just in really good energy, I feel great, I’m surrounded by all of my supporters, fans and team so I’m in perfect place right now really,” bungad ni Catriona sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Sa kabila naman ng kanyang hectic na schedule, mas pinili pa din ng kandidata ng Pilipinas ang gugulin ang libreng oras sa kanyang mga tinutulungan na organisasyon.

“I spent my last week in different organizations because I don’t know if I’ll have time later and I just want to ground myself in that way before I leave to remind myself what is this platform for. So Friday and Saturday I spend my whole day in Tondo. It’s so wonderful to see the kids and so I feel great I feel like I’m really in a good place,” sabi pa niya.

Aniya, nakadagdag din ito ng inspirasyon para sa kanya na pag igihan ang kanyang laban sa Miss Universe pageant.

“Yes definitely, like to see the smiles on their faces. And I also went to some of their houses and you know it just gives me that drive, like this is what I’m here for, to change their lives or to help change their lives,” paliwanag pa ni Cat.

Samantala, labis naman na ikinatuwa ng Pinay beauty ang naging suporta ng Pilipino sa inilabas na larawan ng Miss Universe para sa kanyang profile.

“Grabe.... We hit half a million in a day and a half and I was just like ‘totoo ba ‘to?’ It was insane and to see comments too, it was hilarious. I love reading the comments and to feel the support pouring out,” pahayag pa ni Cat.

Sa December 17 Manila Time lababan si Catriona para sa 67th Edition ng Miss Universe na gaganapin sa Impact Arena, sa Bangkok, Thailand.