• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang ipinayo ni Angelica Panganiban kay JM de Guzman tungkol sa love life?

Ano ang ipinayo ni Angelica Panganiban kay JM de Guzman tungkol sa love life?

Kinukulit na daw si JM De Guzman ng kanyang ina na magkaroon na ng anak.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/14/2018 9:23 AM
Ano ang ipinayo ni Angelica Panganiban kay JM de Guzman tungkol sa love life?


Photo credit: @iamangelicap on IG (L)

Showing na ngayon ang unang pelikulang ginawa ni JM de Guzman—ang Kung Paano Siya Nawala—after niyang lumabas ng rehab at walang traces ng kung anumang pinagdaanan ng dati ng aktor na makikita sa pelikula.

Lumutang muli ang kaguwapuhan ni JM pati na ang magandang chemistry nila sa pelikula na ikinatuwa siyempre ng kanyang supporters at mga tagahanga.

Nagsimula na ring magsyuting si JM ng isa pang pelikula kasama si Arci Munoz na may mga eksenang kinunan sa Boracay at susunod naman niyang gagawin ang balik-tambalan nila ni Angelica Panganiban after That Thing Called Tadhana na ipinalabas three years ago.

“Actually, matagal na pong pinitch sa amin yung gagawin naming movie under Star (Cinema), pero nagkakaroon lang ng mga arrangement or internal na mga inaayos,” kuwento pa ni JM.

When asked kung ano ang nakita niyang pagbabago sa dating leading lady lalo pa nung may mga pinagdaanan din ito sa kanyang relasyon, sey ni JM, “Masyado na siyang… hindi ko napansin na may nangyari sa kanyang something. Isa sa trait niya yon na nakakahanga—kung paano siya magdala. Parang wala lang, pero alam mong meron (pinagdadaanan).”

Natatandaan din ni JM ang paalala sa kanya noon ni Angelica tungkol sa pag-ibig. Isa raw yon sa best love advice natanggap niya.

“Nung time ng Tadhana, naalala kong advice niya sa akin, tumawag siya sa akin ang sabi, ‘Oh, lunod na lunod ka na naman sa pag-ibig ha.’ Ito yung after nung first rehab ko.

“Sabi niya, ‘Lunod na lunod ka na naman sa pag-ibig, ingat ka baka hindi ka makaahon, basta binalaan na kita.’ Tapos yon nga, nalunod na ako,” pagre-recall niyang nakangiti.

Natatawa ring ikinuwento ni JM na gustung-gusto na ng mommy niya na magkaroon ito ng apo sa kanya.

“Si mommy kasi ano yan, eh, gusto niya na nga na gawan ko na ng baby kahit sinong babae,” sabay tawa niya nang malakas.

“Gusto na niya talagang magka-apo. Pag kasama ko si Barbie (Imperial) sinasabi ni mommy na, ‘Uy, JM kailan kayo gagawa ng baby?’ Nang-aasar lang.

Bigla na lang din siyang magte-text, ‘May girlfriend ka na ba?’ Sabi ko, wala pa. ‘Gawan mo na ako ng apo.’ ‘Ma, hindi ki pa nga maalagaan ang sarili ko, pag-aalagain mo pa ako ng junior ko, saglit lang,’” kuwento pa niya.

Maging kay Angelica ay nag-request din daw ang mommy niya ng apo.

“Sinabi rin niya,” sabay kamot ng aktor sa batok. “Ang kulit kasi no’n,” sabay tawa ulit ng aktor.