• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, naghahanda na para sa concert with Regine Velasquez

Vice Ganda, naghahanda na para sa concert with Regine Velasquez

Vice Ganda, maraming proyektong ipinagmalaki, pati na ang pinaka-mabigat na sakripisyo niya sa pag-ibig.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/13/2018 8:38 AM
Vice Ganda, naghahanda na para sa concert with Regine Velasquez


Sa ulat ng TV Patrol, trending diumano ang mga eksena ni Vice Ganda kamakailan at unang-una na dito ang pagtanggap niya ng jersey mula kay PNB star Calvin Abueva matapos itong maglaro at matalo sa kalabang team.

READ: Vice Ganda nabuking ba ng lie detector test ang feelings niya kay Calvin Abueva?

Blockbuster din ang comeback ni Vice sa comedy bar. Ayon sa kanya, practice ito sa concert niya with Asia’s Songbird Regine Velasquez. “Iba yung training dito e and since magko-concert ako next year with Regine Velasquez, kailangan mag-practice.”

Trending naman ang teaser Metro Manila Film Festival entry ni Vice na Fantastica kung saan ini-spoof niya si Pia Wurtzbach, Jaclyn Jose at ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “Isang dire-diretsong spoof ng The Hows of Us, feeling ko yun ang Fantastica ng katatawanan,” ani Vice.

Ipinagmalaki rin ni Vice ang naging pinaka-mabigat niyang sakripisyo para sa love, “magpalaya. Hinayaan ko siyang maging malaya. Pinalaya ko din yung sarili ko sa sakit, sa hinanakit at ngayon e masayang masaya uli.” 

Bukod dito, magkakaroon daw ng fantastic Christmas si Vice kasama ang ina at mga kapamilya.