• Home
  • Fresh Scoops
  • Mag-asawang Patricia Javier at Rob Walcher ibinahagi ang naging experience nila nang ma-meet ang Guns N Roses

Mag-asawang Patricia Javier at Rob Walcher ibinahagi ang naging experience nila nang ma-meet ang Guns N Roses

Kinuha ang serbisyo ni Doc Rob Walcher ng “Guns N Roses” nang nag-perform ito sa kanilang Manila concert.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/13/2018 6:59 PM
Mag-asawang Patricia Javier at Rob Walcher ibinahagi ang naging experience nila nang ma-meet ang Guns N Roses


 

Achievement unlocked para sa celebrity couple na Patricia Javier at Dr. Rob Walcher ang naging experience nang makatrabaho ang iconic rock superstars ng bandang Guns N Roses nang nag perform ito para sa Manila leg ng kanilang concert tour.

Kilalang chiropractor si Doc Rob na asawa ni Patricia at kuwento niya, kinuha mismo ng Guns N Roses Ang kanilang professional service para sa concert.

“Ang kagandahan naman ‘yung mga performers na kasi dito, they’re very ano naman friendly naman,” bungad ni Patricia.

Dahil na rin sa mahigpit na rules ng International artists, bawal makipag-selfie at mag-post sa social media kaya’t medyo nagpigil daw sa pagiging fans ng banda ang celebrity couple.

“That was a great experience, everybody is extremely friendly, unfortunately we were not allowed to take pictures backstage or handy camera or video or anything like that, but it was a great experience really once in a lifetime opportunity and were extremely honored to be chosen to adjust [Chiropractic] these people,” kuwento naman ni Doc Rob.

Ang mahusay na pakikisama at pagiging professional ng “Guns N Roses” at mga staff nito ang di malilimutan ng aktres.

“Doon sa back stage talagang they’re very professional no, they’re ano talaga siyempre security rin siguro ng mga banda, sobrang mahigpit talaga sila,” sabi pa ni Patricia.

Ang tiwala naman ng Guns N Roses Ang kanilang ipinagpapasalamat dahil naging daan ito para makatulong sa pag-promote ng kaalaman para sa health and wellness sa mga Pilipino.

“It’s not for pain relief so you know a band like that they get a chiropractic care before a performance like that, so they can perform to their best ability. So it was great for us to be able to use this platform to spread our message to the rest of the Philippines,” pahayag pa ni Doc Rob.