• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit naging emosyonal si Regine Velasquez-Alcasid sa Magandang Buhay?

Bakit naging emosyonal si Regine Velasquez-Alcasid sa Magandang Buhay?

Inamin ni Regine Velasquez-Alcasid na hanggang ngayon ay nagiging emosyonal siya dahil sa mainit na pagtanggap ng Kapamilya network.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/13/2018 3:30 PM
Bakit naging emosyonal si Regine Velasquez-Alcasid sa Magandang Buhay?


Isang buwan ng nakakaraan nang opisyal na lumipat ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Kapamilya network. Pero hanggang ngayon, nagiging emosyonal pa rin ang seasoned singer sa tuwing nagpe-perform sa mga programa ng ABS-CBN. Nitong November 13 episode ng Magandang Buhay, matapos kantahin ang On The Wings Love, ipinaliwanag ni Regine kung bakit patuloy siyang naluluha sa mga performances niya.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy 1 month to forever Ate Reg! #MagandangBuhayRegine

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on


 
Ayon kay Regine, ito ang pinakaunang pagkakataong kinanta niya ang nabanggit na kanta sa studio ng ABS-CBN. “Here, right here, I feel medyo nostalgic. Tapos I realize that it’s really my first time,” sabi ng singer.
 
“Hindi ko nga alam kung may pinagdadaanan ako o hindi ako sure. Kasi, contract signing pa lang. Hindi ko kasi ine-expect yung welcome (sa akin). Yung mga employees of ABS-CBN, they were all there to welcome me,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

On the wings of love by Ate Reg! Grabeeee! #MagandangBuhayRegine

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on


 
Ipinaliwanag ng Asia’s Songbird kung bakit hindi pa rin nawawala sa kanya ang excitement, kahit na higit sa isang buwan na siyang Kapamilya. “One month na ako actually bilang Kapamilya. Pero ‘yung excitement ko, nandoon pa rin sa level ng contract signing ako. Ganon pa rin ang feeling ko hindi pa siya talaga bumababa. Kasi everytime laging may bago, like ‘nung nag-guest ako kay Vice (Ganda), parang inangat na naman niya, tapos ito na naman umangat na naman. So parang hindi natatapos yung excitement,” paliwanag niya.
 
Nitong Lunes, November 12, isang emosyonal na Regine din ang napanood ng madlang pipol sa It’s Showtime. Matapos magperform ay hindi napigilang maiyak ni Regine habang sinasabayan siyang kumanta ng mga It’s Showtime hosts at Tawag ng Tanghalan contenders.
 
Panoorin ang episode dito:



 
Naghahanda ngayon ang Asia’s Songbird sa nalalapit niyang three-day concert sa November 17, 24, at 25 sa New Frontier Theater. Dagdag pa rito ang kanyang bagong announced na Valentine concert kung saan makakasama niya ang Unkabogable Vice Ganda sa Big Dome.
 
READ: Regine Velasquez and Vice Ganda kumpirmadong magsasama sa isang Valentine Concert
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

O masakit na daw ulo nya Malapit na kasi!!!!! 😂😂😂#RegineAtTheMovies

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on