Paul Salas, may sama ba ng loob kay JM de Guzman?

Matapos ang kontrobersyal na relasyon nila ni Barbie Imperial, sinabi ni Paul Salas na time out muna siya sa pag-ibig at magfo-focus sa kanyang career.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/12/2018 3:31 PM
Paul Salas, may sama ba ng loob kay JM de Guzman?


Photo credit: @msbarbieimperial on IG (R)

Time-out muna daw sa buhay pag-ibig ang dating Kapamilya na si Paul Salas matapos ang naging breakup kay Barbie Imperial.

Kuwento ni Paul sa naging panayam ng press, masaya siya ngayon sa kanyang single life at ayaw na muna balikan ang mga naging pinagdaanan sa buhay pag-ibig.

“Sa ngayon ayaw ko na lang po muna magsalita about sa ganyan (past issues) kasi mas focus muna ako sa career ko, and 'yung paglipat ko ng network,” tugon ng aktor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you for making me smile always

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas) on

 

Aniya, matapos ang naging kontroberysal na hiwalayan ni Barbie, wala na din siyang komunikasyon sa dating ka relasyon.

“Wala na po, pero happy naman po ako sa kung ano ang na-achieve niya ngayon sa buhay,” sabi pa ng batang aktor.

Kung tatanungin naman kung may naging galit ba siya sa mga pangyayari, matipid ang kanyang naging sagot: “Wala po.” 

 

“Naniniwala po ako na everything happens for a reason, baka may reason kung bakit nangyari sa akin 'yon, kung bakit bina-bash ako ng tao. Basta ako, ayaw ko na lang po muna magsalita sa kung ano ang nangyari sa amin ni Barbie. Para sa amin na lang talaga 'yun. Ayaw ko na ipagkalat pa sa public,” dagdag na paliwanag ni Paul.

Paglilinaw din ng aktor, wala siyang naging sama ng loob o galit sa naging leading man ng ex-girlfriend na si JM de Guzman.

“Actually never naman po namin naging problema 'yung love team nila. Never po naging issue sa amin 'yun. Ever since day one, sinusuportahan ko po ang love team nila. Happy din ako sa nangyari at success ng show nila,” patuloy pa niya.

Pagdating naman sa napabalitang pagmamabutihan ni Barbie at JM, kuwento ni Paul mas pinili niya na manahimik muna sa social media.

“Wala na din ako nababalitaan, kasi umiwas na din po ako sa social media ngayon. Marami din po akong guesting ngayon, so focus muna po ako sa career, sa pagsasayaw ko, sa gym,” sabi pa niya.