• Home
  • Fresh Scoops
  • Cora Wadell shares how she knew husband Terence Lloyd is 'the one'

Cora Wadell shares how she knew husband Terence Lloyd is 'the one'

Sinabi ng dating Pinoy Big Brother housemate na wala siyang balak huminto sa showbiz kahit may asawa at magkakaroon na siya ng pamilya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/12/2018 8:26 AM
Cora Wadell shares how she knew husband Terence Lloyd is 'the one'


Photo credit: @coraleenwaddell on IG

Apat na buwan nang buntis ang bida ng pelikulang Recipe for Love at dati ring Pinoy Big Brother housemate  na si Cora Waddell. Ang ama ng kanyang magiging anak ay ang top model na si Terrence Lloyd na pinakasalan niya noong July, 2018.

READ:Former PBB housemate Cora Waddell is pregnant

Aminado si Cora sa interbyu namin sa kanya sa presscon ng Recipe for Love na hindi niya ini-expect na mauuwi sa kasalan ang friendship  nila ni Terence.

“Oo, kasi we were friends, we were jokesters. We weren’t the romantic time and  then I’m sure everyone was very surprised when they found out that we went to Australia and got married,” pagtatapat pa niya.

Inamin din ni Cora na nagsimula lang sila bilang ‘flirting buddies’ noon.

“We were friends for 8 years, parang flirting-flirting lang kami palagi,” sabi pa niya.

Eh, paano ba niya na-realize na si Terence na ang kanyang “the one?”

Kinikilig na kuwento ni Cora, “He came to me and said, after eight years, sabi niya, ‘I don’t wanna be your friend anymore.’  Sabi ko, ang gilas naman nitong lalaking ito. Kinilig talaga ako, ‘Oh my God, ito ba yon?’

“After all these years of flirting, all these years of joking, seryoso pala yon, may halaga siya. Sabi ko sa kanya, ‘you know, I’m gonna believe in magic just one time,  I’m gonna take a chance.’”

Hindi naman naniniwala si Cora na maapektuhan ang nasimulan niyang showbiz career sa ginawang pag-aasawa.

“I never felt that married or marital status should make a difference in what you do for a living lalo na if you’re professional and you take your job seriously and handle it with respect,” katwiran niya.

Itutuloy din daw niya ang pag-aartista kahit ano pa ang mangyari.

“Oh yes, yes. I still aspire to continue with my work and do better. More married roles but siyempre family is very important  and I believe to make a good future you have to start at home,” she said.

Sa Recipe of Love ay kapareha ni Cora si Christian Bables. Ayon sa aktres, malaki ang naitulong sa kanya ng aktor kung paano maging mas open sa mga katrabaho.

“Sa project na ito, he really took me out of my shell coz I’m a very quiet reserved person.

“Kasi kaming mga models tahimik lang kami, hindi kami matsika at work and Christian brought me into a world of taping that you can joke, you can talk, you don’t have to give everyone as much spaces in the modeling world and he really open me up and made me a friendly person,” sabi pa niya.

Showing na ang Recipe of Love sa Nov. 21. The film is produced by Regal Entertainment and directed by Jose Javier Reyes.