• Home
  • Fresh Scoops
  • Coleen Garcia, inaming hindi naging issue ang 10-year age gap nila ni Billy Crawford

Coleen Garcia, inaming hindi naging issue ang 10-year age gap nila ni Billy Crawford

Nag-react din sa Coleen Garcia noong na-bash siya nang maging boyfriend si Billy Crawford at sinabihang ‘malandi.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/12/2018 3:46 PM
Coleen Garcia, inaming hindi naging issue ang 10-year age gap nila ni Billy Crawford


Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Coleen Garcia-Crawford ang kanyang sagot sa usapin tungkol sa malayong agwat sa edad nila ng kanyang asawa na si Billy Crawford. Sa November 12 episode ng morning talk show na Magandang Buhay, inamin ng aktres na hindi naging isyu ang 10 years age gap niya kay Billy. “Parang hindi naman (naging isyu), kasi parang mas gusto ko ngang mas matanda siya sa akin ng 10 years,“ pahayag ng aktres.

READ: Coleen Garcia on married life: ‘There’s no better feeling’

Ayon kay Coleen, hindi niya naisip na makakatuluyan niya ang isang Billy Crawford 10 years ago. “Parang iniisip ko nga, based sa mga kwento niya. Kung ka-edad ko siya, I don’t think makaktuluyan ko siya. Iba siya e, nung ka-age ko siya, like 10 years ago. Ibang-iba siya. So, na-inlove ako kung sino siya ngayon. Iba kasi siya, kung sino siya noon.” paliwanag ng aktres at model.

 

Sa parehong episode, ibinahagi din ni Coleen kung paano niya tinatanggap ang masasakit na salita mula sa kanyang mga bashers noon. “Na-realise ko kasi na parang, ‘Ano yung pinaka-matindi bang sa akin?’ ‘Malandi,’ and I realize na yung word na yun, ang daling bitawan,” sabi ni Coleen.

“Parang kung may mai-insulto, yun ay dahil may sinasabi silang totoo, na ang pamilya ko lang nakakaalam, si Billy lang ang nakakaalam, yung talagang below the belt na masakit talaga, doon ako masasaktan.” dagdag na pahayag niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Every day is family day 🤗 #summerhuahua #outwthecrawfords

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on

Ikinasal si Coleen Garcia sa kanyang It’s Showtime co-host at na si Billy Crawford noong April 20, sa Costa Del Sol, Balesin Island. 

WEDDING PHOTOS: Billy and Coleen are officially Mr. and Mrs. Crawford