• Home
  • Fresh Scoops
  • Precious Lara Quigaman, nag-react sa isyung sexual harassment sa beauty pageant

Precious Lara Quigaman, nag-react sa isyung sexual harassment sa beauty pageant

Precious Lara Quigaman, nalulungkot na sa Pilipinas naganap ang nasabing insidente.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2018 10:36 AM
Precious Lara Quigaman, nag-react sa isyung sexual harassment sa beauty pageant


Photo credit to: @laraquigaman IG

Nagbigay ng reaksyon sa PUSH ang former 2005 Miss International na si Precious Lara Quigaman sa mainit na isyung pinag-uusapan ngayon tungkol diumano sa sexual harassment na na-experience ng tatlong kandidata sa Miss Earth 2018 na ginanap dito sa Pilipinas.

Ayon kay Miss Guam (Emma Sheedy), Miss Canada (Jaime VandenBerg) at Miss England (Abbey-Anne Gyles-Brown), hinarass sila ng isa sa naging sponsor ng Miss Earth habang ginaganap ang isang sponsored dinner sa Manila Yacht Club.

“Okey, unang reaksyon siyempre nakakalungkot kasi dito sa bansa natin ginagawa ang Miss Earth, so nakakalungkot na yung ibang mga candidates naka-experience ng ganun,” simulang pahayag ni Precious.

Dugtong ng beauty queen turned actress, “And siguro hindi lang naman sa beauty pageants, I’m sure it happens everywhere else, maraming iba’t iba pang work and places nangyayari yang mga ganyang harassment.

“Nakakalungkot and I really don’t know what happened, pero I’m also happy kasi matapang yung mga girls to speak out. Kasi minsan, kapag nangyari yon, nanahimik na lang sila.

“So, dahil nagsalita si Miss Canada, nagsalita na rin si Miss Guam at si Miss Finland. In a way, it’s also good kasi nagkakaroon ng boses yung mga babaeng nahihiya.”

May naexperience ba siyang ganun o ang ibang co-candidates niya nung sumali siya sa Binibining Pilipinas?

“During my time, wala naman talaga akong na-experience na ganun,” lahad niya.

“And also because yung mga girls, at nung time ko din, ano ako, eh, tinuruan ako ng lola ko na maging very, very aware sa surroundings ko, sa mga tao to carry myself well para marunong akong umiwas don sa mga medyo suspicious na characters,” dagdag pa niya.

“Yeah, it’s sad but it’s also good na nakakapagsalita yung mga women natin,” reaksyon ulit ni Precious.

Nakausap ng PUSH si Precious sa presscon/storycon ng pelikulang Sarah En Cedie ng Flying High Productions.