Maja Salvador, muling magbibida sa isang telerserye

No pressure din kay Maja Salvador na tapatan ang dating role bilang si Lily Cruz sa ‘Wildflower’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/11/2018 11:10 AM
Maja Salvador, muling magbibida sa isang telerserye


Kasunod ng tagumpay ng pelikulang To Love Some Buddy na pinagbidahan nina Maja Salvador at Zanjoe Marudo, isang upcoming Kapamilya project na ang nakatakdang gawin ng aktres.

Kuwento ni Maja, relax muna siya ngayon at enjoy lang muna bago sumabak sa shoot ng kanyang pagbabalik teleserye na nakatakda sa susunod na taon.

 

 

“Magbabalik po ako sa Star Creatives for telerserye,” bungad ni Maja.

Matatandaan na markado ang naging papel ng Kapamilya actress sa kanyang huling teleserye na Wildflower kung saan kinapitan ng manunuod ang kanyang role bilang si Lily Cruz.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ang mga magaganap sa #Wildflower 💚

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

Tulad ng naging suporta noon sa kanyang teleserye, umaasa din si Maja na mamahalin din ng manunuod ang kanyang bagong pagbibidahan na proyekto.

“Lahat naman po ng shows ng ABS-CBN, binibigay natin kung ano ang bago, kung ano ang magagandang istorya. Kasi sa dami natin dito, sa daming kuwento ng mga Pilipino, hindi pa naman natin naibibigay lahat ng istorya,” aniya.

No pressure din daw para kay Maja nang tanungin kung paano niya mabubura si Lily Cruz sa bagong proyekto na gagawin.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

IVY AGUAS #TheBrideInBlack #WildflowerWildestWedding AUGUST 9 2017

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

“Bawal tayo ma-pressure, kasi dapat ganun naman e iba-ibang istorya, iba-ibang karakter ang gagawin mo para hindi din magsawa 'yung mga kapamilya din po natin,” pahayag pa ni Maja.