• Home
  • Fresh Scoops
  • 2005 Miss International Precious Lara Quigaman, may reaction sa pagiging first runner-up ni Ahtisa Manalo

2005 Miss International Precious Lara Quigaman, may reaction sa pagiging first runner-up ni Ahtisa Manalo

Precious Lara Quigaman, balik-trabaho na matapos manganak.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2018 10:07 AM
2005 Miss International Precious Lara Quigaman, may reaction sa pagiging first runner-up ni Ahtisa Manalo


Photo credit to: @araquigaman IG (L) and @ahtisa IG (R)

Back to work na agad ang beauty queen turned actress na si Precious Lara Quigaman Alcaraz. Present siya sa storycon ng bagong film na Sarah En Cedie na isa sa anim na advocacy film na ipo-produce ng Flying High Productions.

“Ang plano ko talaga is not to work pa for at least mga three more months. My baby is only seven weeks old. So, kasama ko sila, wala akong yaya, wala akong driver,” natatawang kuwento ni Precious sa ilang entertainment press.

Dagdag pa ng aktres, makakasama rin daw niya sa pelikula ang asawang si Marco Alcaraz.

“We’ve always wanted to work together, so kapag may ganyang opportunity, tapos kasama ko naman siya, alam kong hindi ako mahihirapan which is why we took the offer. So, excited ako to work with Marco and to work with the kids in Sarah En Cedie.

“Ito po actually ang una kong gagawing work after kong manganak. Aside from this, padede mom po ako. Naghahatid-sundo po ako ng isa ko pang anak, so yon po, mommy po talaga,” dagdag na kuwento ni Precious.

Precious will play mother to two kids in Sarah En Cedie. Pero sa Halik, nanay naman siya ni Yen Santos bagama’t namatay na ang kanyang karakter sa serye. Hindi raw isyu sa kanya ang mag-portray ng mother role kahit pa anong edad ang magiging anak niya.

Ani Precious, “Alam n’yo po, lagi akong… kasi kapag nag-i-MMK, di ba sina Xian Lim, naging anak ko na yan, si Diego Loyzaga, sabi ko, ganun naman yung artista, eh. Kapag alam mo na kaya mong gampanan yung role mo, tatanggapin mo.

“And natutuwa naman ako kasi pag nakikita ako ng mga tao in person, sabi nila, ‘Ang bata mo pa pala. Bakit nanay ka na ni Yen Santos?’ Pero pag nanonood naman sila nako-convince din naman sila na bagay kaming mag-nanay ni Yen.

“So, pag-artista ka talaga… ako po talaga hindi ako masyadong mapili at maarte sa proyekto basta maganda kong magagawa, so yon po ang dahilan. Magkamukha din naman po kami ni Yen, di ba?”

Kinuha na rin namin ang reaksyon niya sa pagpuwesto sa first runner-up ng Philippine representative sa 2018 Miss International na si Ahtisa Manalo.

“Birthday kasi ni Miss Venezuela, binigay tuloy sa kanya. Naisip ko lang naman yon kasi sabi niya birthday niya, pero puwede naman,” reaksyon ni 2005 Miss International.

Patuloy niya, “Kumbaga, mahirap talagang pagpilian yung dalawa. In fairness naman kay Venezuela, magaling siyang magsalita at maganda rin naman talaga siya.

“Nagkataon lang na birthday niya kaya sa kanya tuloy nabigay yung korona. Dapat birthday na lang din ni Ahtisa, pero sobrang galing ni Ahtisa talaga. Sobrang ganda ng performance niya, sobrang ganda niya.”

Naging judge si Precious sa Binibining Pilipinas at siya raw talaga ang nag-convince sa iba pang judges na ilagay si Ahsita para maging representative sa Miss International.

“Actually, judge ako ng Binibining Pilipinas this year at sinabi ko talaga sa mga kasama ko na judges don, ‘you put Ahtisa in Miss International kasi Miss Internatonal ang face niya. So, sayang lang talaga, pero she really did well, sobrang proud tayo sa kanya,” sey pa ni Precious Lara.