• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Kathryn Bernardo, may bagong ka-loveteam sa Three Words to Forever

WATCH: Kathryn Bernardo, may bagong ka-loveteam sa Three Words to Forever

Sa nilabas na official trailer ng pelikulang Three Words to Forever, ipinakilala ang bagong makakatambal ni Kathryn Bernardo - si Tommy Esguerra.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/10/2018 2:10 PM
WATCH: Kathryn Bernardo, may bagong ka-loveteam sa Three Words to Forever


Photos credit to the owners

Sa opisyal na trailer ng bagong pelikulang Three Words to Forever, ipinakilala ang bagong makakatambal ni Kathryn Bernardo na si Tommy Esguerra.

Sa inilabas na trailer ng ABS-CBN Film Productions o Star Cinema ‘nung Biyernes, November 9, makikita na nagpaplano ng kasal at sariling pamilya ang mga karakter nina Kathryn (Tin) at Tommy (Kyle).

Samantala, balik-tambalan naman ang dating loveteam na sina Sharon Cuneta at Richard Gomez na gaganap bilang mga magulang ni Kathryn.

READ: Sharon Cuneta, nagbigay pasilip sa 'Three Words to Forever'

READ: Sharon Cuneta at Richard Gomez nasa Ormoc City para i-shoot ang pelikulang ‘Three Words to Forever’

Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, makakasama rin sa pelikula sina Jorross Gamboa, Freddie Webb at Tinay Lorena. Mapapanood ang Three Words to Forever sa November 28.