• Home
  • Fresh Scoops
  • Romnick Sarmenta reveals past relationship with Karla Estrada

Romnick Sarmenta reveals past relationship with Karla Estrada

Hindi na rin napigilang umiyak ni Romnick Sarmenta nang pag-usapan ang mga anak.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/10/2018 2:03 PM
Romnick Sarmenta reveals past relationship with Karla Estrada


Sa November 10 episode ng Magandang Buhay, hindi itinanggi ng Halik actor na si Romnick Sarmenta na nagkaroon sila ng relasyon ng host na si Karla Estrada. Ayon sa kwento ni momshie Melai Cantiveros, naging magnobyo ang dalawa noong panahon na nagkasama sila sa 90s variety show na That’s Entertainment.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Denver Buenaventura (@denverbuenaventura) on

“Pero wait lang, hindi kasi namin alam na noon, may past pala kayo ni momshie Karls (Karla Estrada). Pero past is past na ‘yun, ah. Nagulat na lang kasi kami ni momshie Jols (Jolina Magdangal), nang mag-guest dito yung iba’t-ibang kasamahan niyo sa That’s Entertainment,” kinikilig na kwento ni Melai.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

thanks for tonight mga sangkay @emmanconcepcion @chrisrodil #glamteamisthebest

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

Ayon pa kay Karla, 16 years old pa lamang siya noon ‘nung naging sila ni Romnick.

Sa parehong episode, naging emosyonal naman si Romnick nang mapag-usapan ang pagiging ama sa kanyang limang anak. “Wala akong sama ng loob doon sa pinagdaanan ko. Growing up with just my mom and my uncles, aunts, and my grandfather.”

“Palagi kong sinasabi, walang magaling na tatay. Pero hindi mo maaalis na gustuhin mong gawin ang the best para sa mga anak mo. Sa akin, parang it’s such a gift to be given this many children. And, to be entrusted with this much,” pahayag ni Romnick.

Noong nakaraang buwan ay nabalitang naghiwalay ang mag-asawang sina Romnick at Harlene Bautista. Pinili ng pamilya na hindi na magbigay pa ng dahilan at hiniling na igalang ang kanilang privacy.

Isa si Romnick sa mga cast ng sikat na teleseryeng Halik na mapapanood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.