Maris Racal, inaming namimiss din si Loisa Andalio

Maris Racal, ipinaliwanag ang maanghang niyang interview patungkol sa pagka-miss sa kanya ni Loisa Andalio.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/10/2018 11:14 AM
Maris Racal, inaming namimiss din si Loisa Andalio


Photo credit: @iamandalioloisa IG

Sa Tonight with Boy Abunda, nagpaliwanag si Maris Racal kung bakit sinabi niya sa isang interview na kung name-miss siya ni Loisa Andalio ay “meron namang cellphone.” Sagot ito sa isang interview sa TWBA ni Loisa kung saan naiyak si Loisa at sinabing name-miss na niya si Maris.

READ: Loisa Andalio, napaiyak sa pagka-miss kay Maris Racal

READ: Maris to Loisa: 'Kung nami-miss niya ako, meron namang cell phone'

Paliwanag ni Maris, “Nadala lang ako sa frustration sa situation kasi ang dami na pong nadamay na mga tao. Yung meaning lang nung interview na yun. She can always reach out to me. We have the cellphone na pwede namin pag-usapan, kasi yung thought ko lang e gusto ko mapag-usapan namin privately and sincerely. Harap-harapan, Tito Boy.” 

Meron ding tweet si Loisa kung saan sinabi nito na, “umiiyak tayo kasi may name-miss tayo. Hindi ibig sabihin noon na gusto natin siya bumalik.” Reaksyon dito ni Maris ay, “Hindi ko po alam kung tungkol po yan sa akin since wala naman pong name. Masasabi ko lang sa tweet niya is that’s true and I appreciate her honesty. And yes gets ko name-miss niya yung memories namin together as friends kasi ako din.”

Inamin ni Maris na name-miss din niya si Loisa, “Yes po. Hindi namin pwedeng balikan yung dati pero mas gusto kong ayusin namin.”

Muling giniit ni Maris na ang maliit na “misunderstanding” na nangyari sa kanila ni Loisa ay walang kinalaman kay Sue Ramirez. Paliwanag niya, “Aware ako na may issue sila before pero never ako nakisali. Kung problema nila problema na nila yun.”

Hopeful din si Maris na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Loisa. “Yes, ayokong magsalita ng patapos… I believe na in the future magiging okay naman lahat e. Pwede naming pag-usapan ang lahat.”

Mensahe din niya para kay Loisa, “Naayos yung bagay through communication po. And wag na namin idamay ang ibang tao so parang kami lang dalawa.” 

Matatandaan na housemates sina Maris at Loisa sa Pinoy Big Brother kung saan sila naging close friends.