Diego Loyzaga denies attempting suicide

Ito'y matapos kumalat ang balitang nagsuicide raw di umano ang aktor.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/10/2018 4:15 PM
Diego Loyzaga denies attempting suicide


Sa I Know Right, napag-usapan ng mga hosts na sina Jhai Ho, Roxy Liquigan at MJ Felipe ang di umano suicide attempt ni Los Bastardos star Diego Loyzaga. Ayon kay MJ, Wednesday night, November 7, nang may mag-text sa kanya na isang “super reliable source” at ganito raw ang nakalagay sa text, “MJ, naglaslas ng pulso at leeg si Diego.”

Tumawag di umano si MJ sa Star Magic para i-confirm ang balita pero hindi na raw siya nabalikan ng Star Magic. Huwebes di umano, November 8, may naglabasan ng mga blind items.

November 9 naman, ayon kay Jhai Ho, nang lumabas na ang pangalan ni Diego na siya nga raw ang aktor na nag-attempt mag-suicide.  Ayon sa kwento ni Jhai Ho, close siya kay Diego dahil nakasama niya ito sa defunct serye na Pangako Sa’Yo.

Matapos nito, nagpadala daw si Jhai Ho ng mga screenshots ng quotes kay Diego. Ang mga quotes ay tungkol sa pagdadasal at kung papano i-handle ang pain at failure. Matapos nito, pinalakas niya ang loob ni Diego at nag-offer pa siya na mag-usap sila, kung saan sumagot daw si Diego at nagsabing, “thank you.”

Inassure din ni Jhai Ho si Diego na mahal na mahal niya ito at naniniwala siya sa aktor, at sana ‘wag niyang gagawin ang napapabalita. Saka daw nagtanong si Diego kung ano ang sinasabi ni Jhai Ho kung kaya finorward nito ang article na nabasa niya.

Saka sumagot uli si Diego at sinabing, “Hindi ‘yan totoo, Jhai. Don’t worry. I’m fine.”