Vice Ganda, inaming pinasasaya siya ni Calvin Abueva

Vice Ganda, inamin na na-appreciate niya si PBA star Calvin Abueva dahil hindi nito kinahihiya ang closeness nila.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/1/2018 11:25 AM
Vice Ganda, inaming pinasasaya siya ni Calvin Abueva


Photo credit to the owner

Sa Tonight with Boy Abunda, si Vice Ganda naman ang nalagay sa hot seat sa birthday special ng King of Talk Boy Abunda. 

Pag-amin ni Vice, wala silang relasyon ni Philippine Basketball Association star Calvin Abueva. “Honestly Tito Boy, hindi ko po jowa si Calvin Abueva. Kasi di ba para sabihin mong jowa mo… yung boyfriend kita ha, jowa mo ako.”

Pero aminado din si Vice na pinasasasya siya ni Calvin. “He makes me so happy. Mabait po siya sa akin. He’s one of my closest friends now. Isa siya sa mga nakakapagpasaya sa akin. He makes me smile, he makes me laugh, he makes me happy.”

Isa rin sa na-appreciate ni Vice kay Calvin ay hindi daw nito kinahihiya ang friendship niya dito. “Sobra ko po siyang na-appreciate kasi sa dinami-dami ng naging kaibigan kong basketball players… iilan lang dun yung naging proud na malapit na malapit ako kay Vice, yung iba nga hindi kayang i-post yung picture namin na gumimik kami, magkakaibigan lang kami ha. At nao-offend ako pag iniisip kong bakit hindi kaya nila masabing kaibigan nila ako.”

Dagdag pa ni Vice tungkol kay Calvin, “Si Calvin he doesn’t care. Sinabi ko na sa kanya yun dati…” Kwento pa ni Vice na si Calvin pa minsan ang nag-Instagram live sa kanilang dalawa.

Pagmamalaki ni Vice tungkol kay Calvin, “Hindi siya nahihiya na makita ng mga tao na malapit kami sa isa’t isa dahil naniniwala siya na walang mali.”

Nang tanungin kung friendship ito na pwedeng maging isang relationship, sinabi ni Vice na, “I seriously don’t know. I don’t want to think about it.” Nang tanungin kung wini-wish niya ito ang diretsang sagot ni Vice ay, “no.” 

Ayon kay Vice, “I just want to feel what I feel right now. I just want to experience this now and I’m happy that I’m experiencing this now and I’m happy that he’s making me experience this now.” 

Pakiramdam daw ng Unkabogable star matatapos din ang kung ano man ang meron sila ni Calvin, at kinausap daw niya ang mga fans niya na, “feeling ko matatapos din naman ‘to, hindi ko lang alam kung kelan. Ibigay niyo na sa akin kasi gusto kong maging masaya at nakukuha ko yun sa pakikipagkaibigan ko sa kanya… parang mas humuhusay ako sa pagpapasaya ko sa inyo.”

Nang tanungin naman ng hypothetical question na, “If you were to go to hell sinong isaama mo,” ang sagot ni Vice ay, “I want to be sincere…si Calvin. Kasi If I will go to hell with him, I think hell is going to be fun.”

Sa isang interview sinabi ni Calvin na “sweet friends” sila ni Vice. 

READ: Calvin Abueva, nilinaw na 'close friends ' lang sila ni Vice Ganda