• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada, minsan daw dinalaw ng kamamatay lang na security guard

Karla Estrada, minsan daw dinalaw ng kamamatay lang na security guard

Ikinuwento ni Karla Estrada ang nakakapangilabot na experience nang minsang magpakita sa kanya ang kakamatay lang na security guard sa dating tinitirahang condo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/1/2018 12:49 PM
Karla Estrada, minsan daw dinalaw ng kamamatay lang na security guard


Sa Halloween episode ng Push online show na PUSH Bets, ikinuwento ng Magandang Buhay host na si Karla Estrada ang isang nakakatakot na experience niya nang minsang nagpakita ang pinaniniwalaang kaluluwa ng kakamatay lang na security guard sa dating tinitirahang condo sa Mandaluyong.

Kwento ni Momshie Karla, “Noong (isang) madaling araw na dumating ako, I saw him (Kuya Guard), pero tumawid lang siya. Hindi niya ako nilapitan, hindi niya ako pinansin. So sabi ko, ‘Ah dito ko na lang ito ipa-park, babalik naman siguro si kuya guard.’

“So nung pinark ko siya sa harap ng building namin, na bawal (kasi) yon. Kinakatok ako nang early morning ng pang-morning shift na guard. Sabi niya sa akin, ‘Ma’am ilipat niyo na po yung sasakyan niyo, kasi bawal pa dun sa baba.’ Sabi ko, ‘Ah okay, hindi ba nilipat ni kuya guard na isa?’ Sabi niya, ‘Mam wala na po siya, namatay dahil naaksidente siya kagabi.’ Pero nung madaling araw nagpakita pa siya sa akin, kasi lagi niya talagang ginagawa yon, na ipapark niya yung sasakyan.”

Dagdag ng Queen Mother, “Siguro binalikan (ako) ni Kuya Gurad. Kasi ang freaky din nung accident niya, humapas siya sa bus, sa motor niya eh. So baka hindi siya naka-recover agad. Ang pagkakadinig ko sa mga kwento, bumabalik pala talaga ang kaluluwa, pag biglang namatay sila.”

Paliwanag pa ni Momshie Karla, hindi man mapatunayan na kaluluwa nga ang nakita niya noong gabing iyon, pero tinuturing niyang isa iyon sa mga nakakatakot na experience niya.

Panuorin ang buong episode dito:

Isa si Karla sa mga momshie hosts ng morning talkshow sa ABS-CBN na Magandang Buhay, na mapapanuod weekdays tuwing alas-8 ng umaga.