• Home
  • Fresh Scoops
  • HALLOWEEN SPECIAL: White Lady at Duguang Girl Scout nagpakita kay Joshua Garcia

HALLOWEEN SPECIAL: White Lady at Duguang Girl Scout nagpakita kay Joshua Garcia

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/1/2018 12:26 PM
HALLOWEEN SPECIAL: White Lady at Duguang Girl Scout nagpakita kay Joshua Garcia


Photo credit: @garciajoshuae IG

Hitik sa katatakutan na kuwento ang aktor na si Joshua Garcia na bahagi ng kanyang kabataan.

Una na dito ang encounter niya kasama ang mga kaibigan noong siya ay high school pa lamang.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Shot by baba. Four•trait

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

“Overnight yun eh. Kasi sumasayaw sayaw kami doon sa school namin. Nasa CR kami, nag CR kami bigla may sumilip na ganun sa CR. ‘Di ba yung CR di ba eto yung pader ng CR may sumilip,” kuwento ni Joshua.

Para kay Joshua, hinding hindi niya makakalimutan ang itsura ng kanyang mga nakita.

“Anu siya maputla, sobrang pale niya. Takbuhan talaga kami noon,” sabi pa niya.

Pangalawa naman ang multo ng isang girl scout student na nagpakita din sa kanya at sa kanyang mga kaibigan.

“Grade four naman ako sa likod ng classroom namin uwian na. Naka-girl scout na suot tapos duguan tapos hinawakan siya sa ganito. Pagtingin niya nanigas daw siya bigla tapos umiyak na siya. Grade 4 lang kami noon. Ambabata pa namin noon, takbuhan kami sa classroom,” kuwento ng aktor.

Dama pa din ni Joshua hanggang ngayon ang kilabot tuwing naalala ang mga naging karanasan na ito noong kanyang kabataan