• Home
  • Fresh Scoops
  • HALLOWEEN SPECIAL: Tony Labrusca, binibisita ng kaluluwang ligaw sa panaginip?

HALLOWEEN SPECIAL: Tony Labrusca, binibisita ng kaluluwang ligaw sa panaginip?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/1/2018 12:56 PM
HALLOWEEN SPECIAL: Tony Labrusca, binibisita ng kaluluwang ligaw sa panaginip?


Photo credit: @tony.labrusca IG

Markado sa young actor na si Tony Labrusca ang magkakasunod niyang masamang panaginip na nangyari matapos niyang bumukod ng bahay.

Ayon kay Tony, napansin niya na hindi na ito normal at nakakaramdam na ng takot.

“Lagi ako nagkakabangungot like as in minsan three times in one night. Sobrang wild yun for me. Minsan it stopped for one week pero it’s gotten to every night nagkakabangungot ako,” sabi pa ng aktor.

Paglalarawan niya, nangyari sa kanya na gising ang kanyang pag-iisip pero hindi siya makaalis sa masamang panaginip.

“Parang matutulog ka, you’re inside this dream and it feels real. Or minsan sleep paralysis is gising ka pero di ka makagalaw, parang there’s something sufficating you,” pahayag pa ni Tony.

Komunsulta sa experto si Tony at mag cleansing daw ito sa kanyang bahay at ibahin din ang lugar ng kanyang tulugan.

Malaki naman ang pasasalamat ng aktor na hindi na muling natuloy ang kanyang masasamang panaginip