Blackpink, to hold a concert in Manila

Kinumpirma ng Blackpink sa official facebook page nila na kasama ang Manila sa kanilang 2019 World Tour.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/1/2018 2:40 PM
Blackpink, to hold a concert in Manila


Photo credit: @blackpinkofficial IG

Ang matagal nang hinihintay ng mga Filipino fans ng K-Pop girl group na Blackpink, na pagbisita sa Manila ay sa wakas nakumpirma na. Sa bagong post ng official facebook page ng Blackpink, November 1, kasama sa listahan ng kanilang 2019 World Tour ang Manila, kung saan gaganapin sa February 2, 2019, sa Mall of Asia Arena. 

Sa kasalukuyan, ay hindi pa bukas ang pagbebenta ng tickets. 

Bukod sa Manila, magpeperform din ang Kpop group nina Lisa, Rose, Jennie at Jisoo, sa Bangkok. Jakarta, Honkong, Singapore, Kuala Lumpur, Taipei at iba pang bansa na iaannounce sa mga susunod na araw. 

Ang sikat na Kpop group na Blackpink ay binuo ng YG Entertainment, ang artist management ng Big Bang, 2NE1, at iba pa.