• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman, hirap na nga ba makawala sa karakter ni Alyana Arevalo?

Yassi Pressman, hirap na nga ba makawala sa karakter ni Alyana Arevalo?

Ikinuwento rin ni Yassi ang mga natutunan sa kapareha na si Coco Martin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/9/2018 1:13 PM
Yassi Pressman, hirap na nga ba makawala sa karakter ni Alyana Arevalo?


Photo credit: @yassipressman (R) on IG

Markado ang mga eksenang ito para sa Kapamilya actress na si Yassi Pressman na gumaganap bilang si Alyana Arevalo sa top-rating primetime series na Ang Probinsyano.

Sa tatlong taon na pamamayagpag ng programa, saludo is Yassi sa kanilang creative team na hindi nauubusan ng mga pasabog sa bawat eksena gabi-gabi. 

“Marami pa po mga bagong kuwento na dapat abangan. Like yung episode namin, yung paghukay sa sementeryo surprisingly ang dami pa naiisip ng creatives namin,” ani Yassi.

At dahil gabi-gabi siyang napapanood bilang si Alyana, aminado si Yassi na ito na ang tawag sa kanya ng fans pero hindi naman daw ito problema sa aktres.

 

“Minsan mahirap, pero hindi naman siya something that I take as a negative thing. Parang as much as they love Alyana, means they also love and support our show and for me kahit ano klase suporta masaya ako,” sabi pa ng aktres.

Naibahagi rin niya ang isa sa mahahalagang natutunan sa kapareha na si Coco Martin na generous at pamilya ang turing sa kanyang mga staff sa programa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mamayang gabi. #FPJAPHulingYakap

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

 

“Sinasabi niya lagi sa akin, na ang dami ko utang na loob sa mga taong ito and he’s very willing to give back,” pahayag pa niya.

Dagdag ni Yassi, abangan ang mas marami pang pasabog na dapat abangan sa Ang Probinsyano.