Stage acting bagong challenge para kay Jake Cuenca

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/9/2018 10:31 AM
Stage acting bagong challenge para kay Jake Cuenca


Photo credit: @juancarloscuenca (R) on IG

Pinag-uusapan ngayon ang maiinit na mga eksena sa inaabangan na teleseryeng Los Bastardos.

Pagandahan ng katawan at tapatan ng acting ang mga bida na pinangungunahan ni Jake Cuenca.

Ayon kay Jake, kinarir niya ang pagpapaganda ng katawan para hindi matalbugan ng mga kasamahan sa bagong teleserye.

“I’m ready! That’s it! They all know, everyone naman works hard. Everyone works their best! And sa Los Bastardos alam naman namin ang requirement dito,” sabi pa ni Jake.

Sa magkakasunod na proyekto ni Jake wala na daw siyang mahihiling pa.

“Thankful more than anything, I’m thankful. Sobrang thankful ako sa ABS-CBN na binibigyan ako ng show after show after show,” kuwento ng aktor.

At sa pagpasok naman ni Jake sa mundo ng teatro, marami siyang natututunan sa Manila productions ng The Lungs.

“The theater world, I love you guys! Thank you for accepting me! For sure sabi ko, ‘this is it.’ Theater is something that I want to do for the rest of my life,” pahayag pa ni Jake.