Loisa Andalio, napaiyak sa pagka-miss kay Maris Racal

Loisa Andalio, inaming nagselos sa pagkakaibigan nina Maris Racal at Sue Ramirez.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/9/2018 10:48 AM
Loisa Andalio, napaiyak sa pagka-miss kay Maris Racal


Photo credit: @mariesteller (R) on IG

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Loisa Andalio na napa-react siya at nag-tweet sa sinabi ng kaibigan niyang si Maris Racal nang mag-guest ito sa TWBA na nagkaroon sila ng “misunderstanding.”

Ani Loisa, napag-usapan na din nila ito ni Maris. Sinabi daw niya kay Maris na, “wala akong matandaan na nag-away tayo.” Dagdag pa ni Loisa, “Paanong misunderstanding yun. Alam ko po kasi sa misunderstanding na may hindi kayo pagkakaintindihan dalawa.” 

Aminado naman si Loisa na hindi na sila ganun ka-close ni Maris dahil daw, “Tama naman siya na iba yung nakakasama niya everyday ako din naman iba din kaya tama naman na may mas lalamang po talaga.”

Wala naman daw kinalaman si Sue Ramirez sa gap nila ngayon ni Maris. Ani Loisa, “Kung best friend niya si Sue, nirerespeto ko naman po yun kasi may karapatan naman po tayo makipag-kaibigan sa iba.” 

Inamin niya na nagkaroon siya ng selos sa pagkakaibigan nina Maris at Sue. Ani Loisa, “Medyo kasi hindi naman po mawawala kapag mahal mo talaga yung best friend mo.” 

READ: Maris Racal on Sue Ramirez: ‘Trip lang naman, lagi kami nag-I love you.’

Hindi rin napigilang maging-teary ni Loisa nang tanungin siya kung name-miss niya si Maris. “Opo naman Tito Boy kasi… dati kasi sa PBB (Pinoy Big Brother), sabay kaming nangarap… At sa totoo po Tito Boy, wala naman talaga ako masyadong kaibigan sa showbiz.”