Loisa Andalio denies breakup with Ronnie Alonte

Loisa Andalio, sinabing ‘OA’ ang tsismis na may iba siyang “guy” at may ginawa sila ng lalaking ito.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/9/2018 10:42 AM
Loisa Andalio denies breakup with Ronnie Alonte


Photo credit: @hashtag_r2a (R) on IG

Sa Tonight with Boy Abunda, nag-deny si Loisa Andalio na nagkahiwalay sila ni Ronnie Alonte. At ayon pa kay Loisa “OA” ang mga tao dahil may “mga tsismis na hindi naman totoo.”

Ang tsismis daw na kumakalat ay, “si Loisa may iba siyang guy, may ginawa daw kami nung guy, ganun kalala.” Giit ni Loisa, walang katotohanan ang balitang ito. “OA, nagkaroon lang po kami ng hindi pagkakaunawaan ni Ronnie. Lahat naman po dumaan sa ganun. Yun yung reason kung bakit mas strong kami ngayon.”

Matatandaan na hindi naman nagde-deny sina Ronnie at Loisa tuwing nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

READ: Ronnie Alonte, aminado sa ‘di nila pagkakaintindihan ngayon ni Loisa Andalio

Wala din daw third party kung kaya nag-away sila. Nang tanungin kung anong klaseng girlfriend siya, sinabi ni Loisa na, “hindi ako ang tamis magsalita pero pinaparamdam ko.” 

Nagseselos din daw siya “kapag sobra na.”

Nang tanungin naman kung anong klaseng boyfriend si Ronnie, ang sagot ni Loisa ay, “si Ronnie sobrang malawak yung pag-iisip niya.”

Nag-uusap din daw sila ni Ronnie kapag may hindi sila pagkakaunawaan. “Hindi kami natatapos mag-usap hanggat hindi natin natatapos ‘to.