• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez ibinahagi ang secret sa fit na pangangatawan

Beauty Gonzalez ibinahagi ang secret sa fit na pangangatawan

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/9/2018 10:23 AM
Beauty Gonzalez ibinahagi ang secret sa fit na pangangatawan


Totohanan na sampalan at aminadong nagkakasakitan sa kanilang maiinit na eksena sina Dimples Romana at si Beauty Gonzalez sa Kadenang Ginto.

Ayon kay Beauty, usapan nila ito na maging makatotohanan ang kuwento at kapitan ng audience.

 

“Gusto namin ipakita as much as possible totoo kasi ako lalo na ako hindi ko kaya mandaya,” sabi pa ng aktres.

Marami din ang nakapansin sa malaking ibinawas ang timbang ni Beauty, ayon sa kanya bahagi ito ng kanyang goal sa sexy na katawan.

“Now I’m already 116 [pounds]. Parang ito na po ang ideal weight for my job. I don’t want to go beyond,” paliwanag ni Beauty.

Advise ang aktres sa mga gusto magbawas ng kanilang timbang, kumonsulta sa doktor kung ano ang safe at tamang paraan sa dyeta.

“Don’t be so hard on yourself… Ang isipin mo lang na kailangan mo maging healthy muna rather than thinking losing the weight. Kasi baka ma ospital ka. Start first being healthy after that masasanay din ang katawan mo. ‘Wag maniwala na overnight ito. Antagal tagal bago na achieve ang ganito katawan (laughs),” pahayag pa ni Beauty.

Nagsimula na nitong Lunes, October 8, ang Kadenang Ginto tuwing hapon sa Kapamilya Gold.