Albie Casiño, balik teserye sa ‘Los Bastardos’

Ibinahagi rin ng aktor ang maagang paghahanda na ginawa para sa bagong role.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/9/2018 12:40 PM
Albie Casiño, balik teserye sa ‘Los Bastardos’


Isa ang aktor na si Albie Casiño sa nga aabangan sa pagsisimula ng bagong teleserye na Los Bastardos.

Kabilang ang aktor sa mga sasabak sa hubaran kasama ang mga matitipunong aktor na sina Marco Gumabao, Joshua Colet, Diego Loyzaga at Jake Cuenca.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Catch @thestallion09 as one of the Los Bastardos soon on ABS-CBN! #PHRLosBastardos #RSBDramaUnit

A post shared by losbastardos_abscbn (@losbastardos_abscbn) on

 

Kuwento niya, naging maagang paghahanda niya ang madalas na pagpunta sa gym bago pa man maging bahagi ng serye.

“Before the show pa naman I like to work out. Fitness is a big part of my life. I don't do it to look nice... Just what makes me healthier. But I like how I look when I take my shirt off," ani Albie sa press.

"And like now since kailangan sa show, at maghuhubad ka lagi sa show, mas tutok ka na. And it's nice to that we all work out, parang we push each other," paliwanag pa niya.

Kuwento ng aktor, hindi na rin bago para sa kanya ang paghuhubad dahil sa underwear endorsement na kanyang ginawa noon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Wish I was still at the beach #OpenParadise #BENCHBody

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09) on

 

"I did Bench Body. What else can I do on TV that's more edgy than Bench Body, di ba? So I'm used to it na. But if they asked me to do it, parang kung ano lang din ang kailangan ng role," saad pa nito.

"Ako naman din kung hindi naman siya kailangan for the role, bakit ako maghuhubad? Kahit sa Bastardos, ganun ako. Tinitignan ko kung kailangan ko maghubad dito, pero at the same time hindi ako nahihiya mag-hubad," pahayag pa niya.

Maliban sa Los Bastardos bahagi rin si Albie ng pelikulang First Love nina Aga Muhlach at Bea Alonzo na mapapanood sa October 17.