• Home
  • Fresh Scoops
  • Aga Muhlach at Bea Alonzo, ikinuwento kung paano natuloy ang first team-up nila sa 'First Love'

Aga Muhlach at Bea Alonzo, ikinuwento kung paano natuloy ang first team-up nila sa 'First Love'

Ano ang reaksyon ni Bea Alonzo nung tinawagan siya ni Aga Muhlach?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/9/2018 9:08 AM
Aga Muhlach at Bea Alonzo, ikinuwento kung paano natuloy ang first team-up nila sa 'First Love'


Matagal nang pangarap ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang makatrabaho sa pelikula si Aga Muhlach. Hindi nga niya akalain na pagkatapos nang mahabang panahon bilang aktres ay matutupad pa ito.

Sa presscon ng First Love ay nabanggit pa ni Bea na medyo naiinggit siya na nakatrabaho na si Aga ng ilang aktres tulad nina Angelica Panganiban, Angel Locsin, at Anne Curtis.

Ani Bea, “Kasi, nakatrabaho na siya ng ibang mga babae sa generation ko like sina Angelica (Panganiban), Angel (Locsin), Anne (Curtis), tapos akala ko, hindi na siya mangayayari. Pangarap ko siyang makatrabaho until...

 “Siguro ngayon ’yung perfect time at siguro, ito ’yung perfect project.”

Pahayag naman ni Aga sa presscon, siya raw mismo ang tumawag kay Bea para itanong kung pwede itong gumawa ng pelikula kasama siya.

Matagal na rin daw niya kasing gusto ring makatrabaho si Bea. Sa tuwing mapapanood daw niya si Bea sa pelikula ay lagi raw niyang wini-wish na makatrabaho ang aktres, “Man, I’d love to work with her.”

Kaya nang sabihin na sa kanya ni Direk Paul Soriano na meron siyang material na isang love story ay naisip niyang babagay ito kay Bea.

Nagkataon din naman na si Bea rin pala ang nasa isip ni Direk Paul at ang nakalagay na nga raw sa script ay Aga and Bea.

“Sabi ko, ‘oh my God, Lord, my God, you are wonderful, really!’ So I have to call her up, I texted her. Hindi ko naman nakakausap si Miss Bea Alonzo, ang kapal-kapal ko, ‘May I call?’” kinikilig na kuwento ni Aga.

Umokey naman daw agad ang aktres although na-shock siya nang tawagin siyang “kuya” ni Bea.

“Kinukuya na ako ngayon,” natatawa niyang kuwento.

Sey naman ni Bea, nang maka-receive raw siya ng text from Aga ay pinatigil niya ang kanyang driver sa pagda-drive.

“Sabi ko, ‘Sandali, sandali, tumigil ka, tatawag si Aga Muhlach!’ Oo, talagang sinagot ko. Tapos, tina-try kong ikalma ang sarili ko,” kwento pa ng aktres.

“Hindi pa niya natatapos ’yung sentence niya, sabi ko, oo, oo, opo, sige, gumawa tayo ng pelikula,” sambit ni Bea.

Aminado naman ang aktres na talagang kinakabahan siya sa first shooting day nila ng leading man habang nasa Vancouver, Canada sila.

Sabi naman ni Aga, sobrang galing daw ni Bea at talagang hindi raw niya naiwasang matulala dahil sa husay ng aktres.

Samantala, showing na sa October 17 ang First Love mula sa produksyon ng Ten17, Star Cinema at Viva Films.