Rosanna Roces magbabalik telebisyon sa 'Los Bastardos'

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/8/2018 8:57 AM
Rosanna Roces magbabalik telebisyon sa 'Los Bastardos'


Photo credit: @iamrosannaroces on IG

Muling ipapamalas ng aktres na si Rosanna Roces ang kanyang husay sa pag-arte sa kanyang pagbabalik telebisyon.

Isa si Osang sa mga mapapanuod sa inaabangan na Kapamilya teleserye na Los Bastardos kung saan gaganap siya bilang si Irma.

Sa Instagram ng aktres, ibinida niya ang ilang larawan sa kanyang bagong proyekto.

Ngayong October 15, mapapanuod ang Los Bastardos na pagbibidahan ng matitipunong aktor na sina Marco Gumabao, Diego Loyzaga, Joshua Colet Albie Casiño at Jake Cuenca.