• Home
  • Fresh Scoops
  • Katarina Rodriguez takes home 2018 Miss World Philippines crown

Katarina Rodriguez takes home 2018 Miss World Philippines crown

Former Miss Intercontinental PH Katarina Rodriguez wins another beauty pageant crown.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/8/2018 8:05 AM
Katarina Rodriguez takes home 2018 Miss World Philippines crown


Photo credit: @msworldphil on IG

Itinanghal na Miss World Philippines 2018 si Katarina Rodriguez sa katatapos lang na Miss World Philippines 2018 coronation night na naganap sa Mall of Asia Arena kagabi, October 7.

 

Ito ang ikalawang beses na kinoronahan si Rodriguez bilang kinatawan ng Pilipinas na lalaban sa isang international beauty pageant.

Last year unang lumaban si Katarina  bilang pambato ng Pilipinas sa Miss Intercontinental 2017 sa Egypt, kung saan nasungkit niya ang pwesto ng first runner up.

Read: Katarina Rodriguez is first runner-up at 2017 Miss Intercontinental Beauty Pageant

Unang nakilala si Katarina nang naging representative din siya ng Pilipinas sa Asia’s Next Top Model noong 2014 at naging third-placer sa patimpalak.  

Bukod kay Katarina , kinornahan din bilang 2018 Miss Multinational Philippines si Kimi Mugford,  2018 Miss Reyna Hispano-Americana Philippines si Alyssa Muhlach at 2018 Miss Eco Philippines si Maureen Montagne.

Nanalo naman ng 2018 Miss World Philippines World Philippines first Princess si Chanel Morales at second Princess si Pearl Hung.

Sa darating na Decemeber 8, muling lalaban si Katarina Rodriguez para 2018 Miss World Pageant na gaganapin sa Sanya, China.