John Lapus, tatalikuran na nga ba ang pag-arte?

Ang komedyanteng si John Lapus ay director na ngayon ng pelikulang kalahok sa Cinema One Originals Festival 2018.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/8/2018 8:51 AM
John Lapus, tatalikuran na nga ba ang pag-arte?


Isa na ngayong movie direktor si John "Sweet" Lapus sa pelikulang Pang MMK na kalahok ngayon sa 14th Cinema One Originals Festival 2018.

Kuwento ni Sweet, hindi naging madali para sa kanya na umpisahan ang kanyang karera bilang direktor.

"Alam mo yung ganung feeling na lahat ng kaibigan kong reporter ang tanong sa 'kin, 'handa ka na ba?' Ganoon ang tanong sa akin. 'Yung mga kaibigan ko pressured din sila for me na dapat maging maganda ang kalabasan," kuwento ni Sweet.

Baguhan man sa paggawa ng pelikula, inamin ni Sweet na unti-unti na niyang minamahal ang bagong mundo na ginagalawan sa likod ng kamera.

“Yes, priority ko na ang pag-direk at pagsusulat, pero hindi pa full-blown ngayon dahil ito pa lang to e,” sabi pa niya

Ayon pa kay Sweet inihahanda na din niya sarili na malayo na siya sa harap ng kamera.

“Siguro , there will be a time na si John Lapus ay writer, director na lang at hindi na siya nakikita sa silver screen or sa telebisyon. Yung pangalan na lang niya yung nakikita na nag-flash sa inyong TV screen," pahayag pa niya.

Sa darating na October 12, magsisimulang mapanuod ang Pang MMK sa piling sinehan sa Pilipinas.