• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit nasabi ni Aga Mulach na hindi niya bibitawan ang showbiz?

Bakit nasabi ni Aga Mulach na hindi niya bibitawan ang showbiz?

Inamin ni Aga Mulach na first choice si Bea Alonzo para sa pelikulang First Love.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/8/2018 2:40 PM
Bakit nasabi ni Aga Mulach na hindi niya bibitawan ang showbiz?


Sa October 8 episode ng Magandang Buhay, ibinahagi ni Aga Mulach kung bakit hindi niya tatalikuran ang industriya ng showbiz. Ayon sa kanya, kaya siya nawala pang samantala ay dahil napapagod lamang siya. “Hindi ko tatalikuran tong industriyang to. Pag humihinto ako, napapagod lang ako.” sabi ni Aga.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Friday! 🖤 All glory and praise to THE ONE up there ☝🏼 His plans, not ours. 👍🏼

A post shared by Agamuhlach317 (@agamuhlach317) on

 

Pinaliwanag ni Aga na malaki ang tulong ng showbiz para sa kanya, lalo na sa kanyang mga anak at sa buhay na meron sila ngayon. “So nagpapahinga lang ako, and then minsan napapasarap lang ang pagpapahinga, tumatagal. But, hindi ko aalisan itong industriyang ito. Kasi ito ang gumawa sa akin. Ito ang nagbigay ng pinang-aaral ko sa mga anak ko, o kung ano man ang tinatamasa ko ngayon.” paliwanag ni Aga.

Sa parehong episode, ikinuwento rin ni Aga kung paano niya tinanggap ang role para sa pelikulang First Love. Ayon pa sa aktor, bago niya pa malaman na si Bea ang makakatambal, sinabi niya sa direktor na si Paul Soriano, na si Bea rin ang gusto niyang makatrabaho para sa pelikula.

“Paul Soriano (director) comes to my house, ang presents me this story, and I said, ‘Wait, Paul, kung may gagawin tayo I want to work with Bea (Alonzo). I wanna do this film with Bea.’

“And then pinakita niya sa akin ang presentation, ang nandoon, ‘Aga-Bea,’ ganon nangyari yon, talagang kinalibutan ako,” kwento pa ni Aga. 

Ipapalabas na ang First Love sa mga sinehan sa October 17.