• Home
  • Fresh Scoops
  • Darren Espanto, handa na ba muling tumanggap ng acting roles?

Darren Espanto, handa na ba muling tumanggap ng acting roles?

Thankful din si Darren sa naging positive reviews sa kanya sa ‘The Hows of Us.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/7/2018 3:13 PM
Darren Espanto, handa na ba muling tumanggap ng acting roles?


Hindi binigo ng Kapamilya singer na si Darren Espanto ang mga fans na naghintay sa kanya sa naganap na opening ng Shopalooza Christmas Bazaar 2018 sa Marikina City.

Isa si Darren sa mga special performers ng gabi, na labis na tinilian ng kanyang mga taga hangga.

Dito, inihayag ng singer ang kanyang kasiyahan para sa positibong reviews sa kanyang acting sa blockbuster movie na “The Hows Of Us” kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla,

“It’s always one of my dreams to act and to also be seen on the big screen, and sobrang saya ko po na natupad po ‘yung pangarap ko na ‘yun,” kuwento pa ni Darren.

Aniya, labis din na kaba niya noong una niyang napanuod ang naging proyekto.

“Natuwa po ako na yung first time acting gig ko, kahit na walang workshop, After po mapanuod ng karamihan, atleast alam ko po na nagawa ko po ng tama ‘yung part ko,” ani Darren.

Hindi itinangi ni Darren na nagsunod-sunod na ang offer ng acting roles sa kanya pero naka depende ito sa schedule niya bilang singer. 

“For mga telerseryes po, pero kasi telerserye mas araw-araw, ang singing (schedule) ko mas kailangan din araw- araw din, pero mas priority ko pa din po ang singing. Pero pag may opportunity ulit, why not,” pahayag pa ni Darren.

Sa ngayon, isang major concert ang pinaghahandaan ni Darren.