• Home
  • Fresh Scoops
  • Single ni Sam Mangubat, bahagi sa bagong inspirasyon ng Sagip Kapamilya

Single ni Sam Mangubat, bahagi sa bagong inspirasyon ng Sagip Kapamilya

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/6/2018 9:37 AM
Single ni Sam Mangubat, bahagi sa bagong inspirasyon ng Sagip Kapamilya


Isang kasunduan ang pinirmahan ng Star Music at ABS-CBN Sagip Kapamilya para sa bagong awitin na “Pagkat Nariyan Ka” na aawitin ni Sam Mangubat.

Ito ang magiging theme song sa magaganap na muling pag gunita ng anibersaryo ng bagyong Yolanda.

Sa pirmahan, present sina Roxy Liquigan head ng Star Music at Victoria Benedictine head ng Star Songs and New Media.

Present din sina Trina Belamide at Zion Aquino bilang mga songwriters at Sam Mangubat bilang interpreter.

Kasama din sina Susanna Rachel Afan, managing director, Higno Dungo Jr. program director at Angelita Lara chief finance services officer ng ABS-CBN Foundation.

Kuwento ng songwriters na sina Trina at Zion, intended para sa fans ni Sam ang “Pagkat Nariyan Ka”.

Nagpasalamat naman si Sam sa ABS-CBN Sagip Kapamilya para sa pagkakapili sa kanyang kanta.

“Sa haba ng taon ng Linkod Kapamilya, isa ako sa tuldok ng patuloy niyong pag tulong sa mga kapamilya, Sana makasama pa din ako doon sa mga susunod na mga taon na patuloy niyong pagbibigay inspirasyon sa bawat kapamilya natin,” pahayag pa ni Sam.