• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang ‘Asintado’, Shaina Magdayao biyaheng abroad para sa International Film Festival

Matapos ang ‘Asintado’, Shaina Magdayao biyaheng abroad para sa International Film Festival

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/6/2018 9:29 AM
Matapos ang ‘Asintado’, Shaina Magdayao biyaheng abroad para sa International Film Festival


Photo credit to: @shaina_magdayao IG

Isa ang aktres na si Shaina Magdayao sa mga lead character ng katatapos lang na teleserye na Asintado.

 

 

Si Shaina ang gumanap sa papel ni Samantha Del Mundo na unang kinainisan at kalaunan minahal ng mga manunuod.

“It’s actually been a pleasure working with my co-actors. Isang taon din namin tinrabaho yun and finally meron na kaming dalawang huling linggo, Mapagtatagumpayan ba namin ang laban namin with Salvador?” sabi ni Shaina sa isang naunang interview.

Wala man bakasyon, walang reklamo ang aktres sa magkakasunod na blessings na tinanggap sa kanyang karera. Kasama na dito ang pag-alis sa bansa para sa isang international film festival.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

LORENA #AngPanahonngHalimaw #Berlinale2018 #grateful

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on

 

“Two years straight ako and of course I’m very thankful. That’s why I’m here sa ABS-CBN. After Asintado mukhang magpapahinga lang sandali but end of October, I’m going to Tokyo International Film Festival to represent our film yung ginawa namin ni Direk Lav Diaz,” kuwento pa ng aktres.

Ibang level din ang happiness ni Shaina na dalhin ang Pilipinas sa film festivals abroad kaya excited na din sa kanyang pag-alis.

“Bale it’s going to be my second time na makasama sa isang international film festival. First was Berlin and then now naman Tokyo international film festival,” pahayag pa niya.

Inasahan na positibong reviews at parangal ang maiuwi ni Shaina at ng Philippine delegations mula sa Tokyo, Japan.