LOOK: James Reid starts training for ‘Pedro Penduko’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/6/2018 9:34 AM
LOOK: James Reid starts training for ‘Pedro Penduko’


Photo credit to: @EpikStudiosPH on Facebook

Todo paghahanda na ngayon ang aktor na si James Reid para sa kanyang upcoming movie na Pedro Penduko.

Si James ang muling magbibigay buhay sa iconic Pinoy hero na muling bubuhayin ng Viva Films at Epik studios sa pangunguna ni Direk Paul Basinillo.

Sa Facebook post ng Epik Studios, ibinahagi nito ang isa sa mga paghahanda ni James para sa kanyang iconic character.

Sa nasabing post, sinabi na kasalukuyan na nag-aaral si James ng Parkour at paghawak na arnis na isa sa mahahalagang armas ni Pedro Penduko.

Sa ngayon wala pang pormal na anunsyo ang Epik studios tungkol sa eksaktong play date ng pelikula.