Heaven Peralejo, may pakiusap sa McLisse fans

Thankful si Heaven Peralejo sa naging tiwala na ipinagkaloob sa kanyang first lead movie role.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/6/2018 9:21 AM
Heaven Peralejo, may pakiusap sa McLisse fans


Bagong tambalan sa pelikula ang pagbibidahan nila McCoy De Leon at Heaven Peralejo para sa pelikukang The Mirror.

Sa story conference, isa sa naging tanong kay Heaven kung handa na ba siya sa posibleng maging reaksyon ng fans nila McCoy De Leon at Elisse Joson na kung tawagin ay McLisse.

“Sabi ko nga po, 'yun naman ang trabaho na pinasukan ko. Alam ko rin po na hindi lahat ng tao ay magugustuhan,” tugon ni Heaven sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN news.

“Hindi naman lahat ng tao ay accepted na kami ang magka-partner o sino ang ka-partner ko,” sabi pa ng dalaga.

Aniya, pagkakataon lang ang hiling niya para maipakita ang kanyang talento.

“Sa akin lang ay bigyan lang nila ng chance na makita kung ano ang maibibigay namin sa movie na ito,” saad pa niya.

Thankful din ang dalaga para sa pagkakapili sa kanya para gamapanan ang role.

“Well nagpapasalamat po ako kasi nakitaan nila ako ng potential na kaya ko ang role na ito. Para mabigyan po ako ng lead malaki po yung trust na ipinagkatiwala nila sa akin,” pahayag pa ni Heaven.

Bukod kay Mccoy at Heaven, kabilang din si Yves Flores sa mga bida ng pelikula na mapapanuod sa susunod na taon.